emosecrets

Wednesday, December 05, 2007

MAKINA.

Tila maraming bagay ang gumugulo sa utak ko. Dalawang linggo na pala akong nagkakaganito, hindi ko pa rin alam ang problema ko. O baka, pilit ko lang iniisip na wala akong problema kahit alam kong meron. Pero hindi eh, alam kong may problema ako. Hindi ko lang siya pinapansin. Hindi rin naman siya nagpapapansin talaga. Napapansin ko lang pag nag-iisa ako o kung wala akong magawa.

Oo, alam kong may problema ako. Pero hindi ko alam kung ano 'yun. Galing noh? Ang saya talaga. Ganun ako lagi.

Baka naman may topak na ako? O baka may mali sa akin? Hehe. Wag naman sana. Wala naman siguro noh.

Ang alam ko lang, may kulang pa. Marahil kumpleto na ang buhay ko para sa iba. Marahil akala nila, kumpleto na ang buhay ko. Siguro, malapit na. Pero may kulang pa e. Marami pa. Hahanapin ko pa 'yun.

Ah, alam ko na! May topak lang siguro ang buhay ko ngayon. Hindi lang siguro ako sanay. Pero hindi eh, dalawang buwan ko nang ginagawa 'to. Dapat sanay na ako.

Grabe, sarili ko lang siguro ang problema ko. May kelangan lang akong ayusin. Ulit. Akala ko naayos ko na nun e, hindi pa pala. Nagkaproblema ulit ang makina, kelangan na talaga ipaayos.

Nga pala, magandang desisyon ang pagbalik ko sa pagbblog. Dahil kung hindi ako bumalik sa pagbblog, nabaliw na siguro ako ngayon dahil hindi ko 'to naisusulat ngayon.

Sana samahan niyo ko sa pag-ayos ng makina ko. Ma-drama dba? Naiinis ako dahil ma-drama akong tao. Pero ganun eh. Hayaan niyo na lang ako. Hindi 'to bagay sa 'kin sa totoong buhay(oo, ngayon, it's all in the mind, kathang-isip mo lang 'tong pagbabasa ng entry na 'to ngayon). Kasi madalas natatawa ang mga tao sa 'kin, makulit ako, at makikita niyo talaga akong tumatawa. Yung tawang nakakabaliw ba.

Hmm.. bigla na lang pumasok sa isip ko yung sinabi sa 'kin ng Science teacher ko nung 1st year high school. Gumawa kasi kami ng book bilang proyekto namin noon sa T.L.E. Sa katapusan ng taon, pinasulat ko lahat ng mga teachers at malapit na kaibigan doon. Sinabi niya dun, "Pinatunayan mo sa akin ang "Silent waters run deep."" Syempre na-touch naman ako dun. Tahimik kasi ako, kuno. Pero oo, tahimik ako sa umpisa. Pero makulit akong tao. Pag wala ako sa bahay, tahimik. Syempre, namimiss nila ako kasi walang makulit at maingay. Hehehe.

O ayan, medyo nalihis na sa main topic ang sinasabi ko. Medyo nawala yung mga bagay na gumugulo sa utak ko. Pero pagkatapos ng lahat ng kwentuhan at pag-alala sa nakaraan, bumabalik siya.

Hayaan ko na lang. Aayusin ko 'to. Ayokong pabayaan na, at gawin ang nakasanayan kong tumakas na lang. Aayusin ko talaga 'to. Aayusin ko ang makina ko.

Meron pa pala kaming group report sa Sociology namin sa Tuesday. Wala pa akong nagagawa. Wala pa kaming nagagawa. Pano kasi, wala akong ginawa nung weekend kundi matulog. Galing talaga ng makina ko. Tama na, masyado na 'tong seryoso. Hindi bagay.

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home